Pagtuklas at Pagsuri ng Pelikula sa bansang Thailand sa taong 2012-2014
Pagtuklas at Pagsuri ng Pelikula
sa bansang Thailand sa taong 2012-2014
St. Catherine's College
Carcar City, Cebu, Philippines
Basic Education Department
Pamanahonang Papel sa Filipino
Nina
Jessa Crismae N. Dela Cerna
Clemencia V. Canada
Jolly Ann Satuita
Phealyssa Fatima S. Allas
Diether L. Quirante
Angelo Ponce
Grade 10 - St. Thomas Aquinas
OCTUBRE 2014
PASASALAMAT
PASASALAMAT
TALAAN NG NILALAMAN
TALAAN NG TALAHAYANAN
KABANATA I - Ang Paninimula
A. Raysonale at Pag-aaral
Thailand, lupa ng mga ngiti. Mga kulturang kasing ganda sa Pinas. Mga taong masayahin at malikhainsa mga bagay bagay lalong-lalo na sa paggawa ng isang pelikula.Pee Mak, isa sa mga magagandang pelikla na pang Thailand. Ang pelikulang ito ay isang Thai komedy-horror film , sa direksyon ni Banjong Pisanthanaku.
Ang storyang Pee
Mak ay nagpapa-lapat ng Nea Nak Phra Khanong na isang alamat ng Thai
folktale.Sa pag-tatalakay ng pelikulang Pee Mak, maging tiyak ang pagtalakay
na, ito sa naglalayon na:
1.) Malaman kung ano ang mensahe sa pelikulang Thailand sa ibang
pelikula;
2.) Matukoy kung ano ang mensahe ng peli-kulang Pee Mak ; at
3.)
Maintindihan at maunawaan ang kulturang Thai-land at kung ano ang kahalagahan
nito.
Sa pagpapanood mo, matutuk-lasan ninyo kung bakit naging gayon si Pee Mak at kung ano ang connec-tion sa pelikulang Pee Mak at sa totoong buhay.
Ang panitikang Thailand ay naimpluwensiyahan lamang ng India. Ang ilang halimbawa ng kanilang panitika ay ang , Alamat ni Princesa menorah at Ang Buwang hugis suklay. Ang Ramakien din na bersyon ang Ramayana ng Thailand.Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o pahulatan ay ang pasulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin lamang,ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasan-hi ng matagal na pagkawili at gana. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at at mga karanasang kaugnay. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aralan ang larangan ng literature sa mga paaralan.
B. Paglalahad ng suliranin
Nais subukang lutasin ng mga
mananaliksik ang sumusunod na suliranin.
- Ano ang mga elemento ng pagsusuri ng isang pelikula
- Ano ang pagkaiba sa pelikulang “Pee Mak” at sa pelikulang “Crazy Little Thing Called Love”?
- Ano ang kahalagahan ng pagtuklas ng kultura sa bansang Thailand?
C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang layunin ay makatulong sa pagbibigay kaalaman ukol sa pelikulang Thailand. Laynin rin ng pananaliksik na ito na makapag-ambag sa mga pag-aaral sa pelikula sa bansang Thailand. Gayundin ang makapagbibigay sigla sa mga tao na madagdagan ang kanilang kaalaman sa pelikulang Thailand. Ang kahalagahan ng mga mananaliksik na patunay at maibahagi ang kanilang impormasyong na nalalaman sa mga taong manonood ng kanilang pelikula at kahalagahan din nitong bigyan alaman ang mga taong nakabasa nito.
Pananaliksik:
Upang hindi tayo magiging ignorante sa kanilang pelikula at para maiba ang pelikula natin at pelikula nila. Ang mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon ukol sa pelikulang Thailand sa tulong ng mga pahayagan at sa internet.Sa pamama-gitan ng pelikula ng Thailand malalaman din natin and damdamin ng mga tauhan kung sila ba ay maligaya o malungkotdahil sa pelikula na iintindihan natin ang mga tauhan.
Mag-aaral:
Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang magbigay aral at aliw. Nais ipahiwatig ng mga mananaliksik sa nga nag-aaral ang kanilang mga kaalaman at mga nalala- man tungkol sa bansang kanilang ibabahagi at nais din nila punan ng alam ang mga isip at katangian ng mga taong babasa at manonood.
Lipunan:
Malalaman natinang mga paniniwala at gawi ng mga tao sa Thailand at maihambing sa ibang bansa. Nais din nito na mailahad at ibahagi ang mga impormasyon tungkol sa bansang ito at pati na rinse kanilang kultura at mga pangyayaring kasabwat at alam ng mga taong nakatira sa kanilang lipunan at ukol din ang mga mahahalagang ditalye tungkol sa bansang ito.
D. Batayang Teoretikal ng Pag-aaral
Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil nagging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng totoong tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga pekel sa kamera, at sa pamamagitan ng kartun).
E. Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay paukol sa damdamin natin mga tao. Sa saklaw na ito ay maipakita ng tao ang pagkagaling sa pagsulat at upang maipahayag rin ang kanilang damdamin. Bilang isang tao ikaw ay malayang makapaghayag ng totoo mong damdamin o saloobin. Kusang aalamin naming kung ano ang pinagkaiba ng kwento ng Indonesia at ng kwentong Thailand. Sa pag-aaral na ito ay malalaman natin kung paano ginawa ang kanilang kwento , kung anu-ano ang mga katangiang nakapaloob sa kwento at ito rin ang paraan para mapunan ang ating kaalaman o impormasyon ukol sa kwento. Malaman din natin ang kaibahan ng kwentong Thailand sa ating sariling kwento. Ang pag-aaral na ito ay maasahang matatapos sa loob ng isang buwan sa taong 2014.
F. Katuturan ng mga salitang Ginamit:
Gawi – Ito ay hilig, ugali , dako , banda.Impluwensiya – Ito ay kapangyarihan.Impormasyon – Ito ay balita , kaalaman , kabatiran.Libangan – Ito ay aliwan.Mainam – Ito ay mabuti , mahusayUkol – Ito ay marapat , dapat.
KABANATA II - Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral
Ang panitikan ng Thailand ay naimpluwensiya lamang ng India. Ang ilang halimbawa ng kanilang panitikan ay ang alamat ni Prinsesa Manorah at ang Buwang hugis suklay. Ang Ramakein din na bersyon ng ramayang ng Thailand.
Ang pinakaunang panitikan ng mga taga Thailand ay sinulat ng mga Chino hanggang naimpluwensyahan ito ng mga kulturang India mula sa ito 13-siglo. Ang pambansang epiko ng Thailand ay bersyon ng mga Ramayana na tinatawag na Ramakein. Ang bilang ng bersyon na ito ay nawala nang nagiba ang Ayutthaya noong 1767. May tatlong bersyon ang mayroon pa: Una ay ang paghanda ng superbisyon na ginawa o sinulat ni King Rama I. Ang kanyang anak , Rama II ay iniba ang ibang parte para sa Khondrama. Ang pinakamalaking pagkakaiba nito sa orihinal ay ang mga tauhan kabilang na ang “ Monkey god Hanuman” at ang masayang katapusan nito.
Ang pinaka importanteng tula ng panitikan ng Thailand ay ang Sunthorn Phu , na kinilalang bilang mahusay sa kanyang romantisismong pakikipag sapalaran na storya ng “ Phra Aphai Mani” at ang siyam na paglalakbay na tinatawag na “Nirats”. King Rama V at Rama VI ay kapwa manunulat rin. Ang kanilang paksa ay madalas patungkol sa mga totoong likha batay sa kanilang programa para mapag-isa ang
Ang Thailand ay mayaman sa mga banyagang manunulat sa ika 20-siglo na rin. Ang grupo ng mga manunulat sa Bangkok ay kasalukuyang naglabas ng mga manunulat sa Indian na gumawa ng babasahin , sila ay sina G.Y Gopinath , A.D Thompson , pati na rin ang mga hindi- piksyon ni gary Dale Cearley.
Isang bagong usapin , lumitaw mula noong rehiyonalisasyon ng dekada nobenta , ay ang epekto ng nasyunalistang historiograpiyang Thai- inilalarawan sa mga dramang pantelebisyon at pelikla , at maging sa mga aklat pang-eskwela sa relasyon sa mga karatig-bansa ng Thailand na , sa ilang mga pagkakataon, ay humantong sa tensyong diplomatiko.
Ang sumusunod na problema ay kaugnay sa mga propesyunal na istoryador sa akademya ang impluwensiya mula dekada nobenta ng teoryang “ postmodern” at ang pagkukuwestyon nito sa mga ipinapalagay na katotohanan ng kasaysayan. Kung ang kasaysayang Thai ay isa sa lamang kwento sa di- mabilang na mga kwento at hindi nakalalamang ang karapatan bilang autoridad sa nakalipas , karapat-dapat ba rito ang pribilihiyado nitong katayuan?
Ang huling suliranin ay ang kasalukuyang kalagayan ng propesynal na kasaysayan na halos walang kaugnayan sa pagtingn ng madla sa kasaysayan. Paano naapektuhan ng pagluna ng disiplina ng kasaysayan sa kanlurang institusyunal ang mga unibersidad at institusyong pang-edukasyon ang iniluwal nito isang dantaon na ang nakalipas.
Literaturang Thai , mga Siamese( tao ng Thailand) na kadalasan nagkakaroon ng magagandang literatura. Ang pinaunang literatura na nasa panahong Sukhothai (13th to mid-14th century) , ay matagal o nanatili pa rin sa isang bato , na nagbigay ng “vivid accounts” sa kani-kanilang kontemporaryong buhay. Sa lahat ng literatura ng Thailand , ang pinakatanyag ay ang Ramakhamhaeng records sa ekonomikong kasaganaan sa kanyang kaharian at ang kabaitan ng kanyang Klasical na literature , nakasulat sa pagpaparaan ng patula , sa panahon ng Ayutthaya period( 1351-1767). Kasama ang panrelihiyon na pogara tulad sa Maha chat(“ The Great Birth”) , Kinamamayanan, isinulat ito muli at binago ang tawag ,Maha chat Kham luang Karamihan sa mga literatura ay nawala sa Ayutthaya by Hsinbyushin ng Myanman (Burma) noong 1767.pagkatapos ng restorasyon ng soberintiya ng Thailand ang establisemento ng bagong capital ng Bangkok ,maraming batas ang kailangan masunod ,mga trabahong pangrelihiyon , at literaturang sulat ng taong Ramal kasama na rito ang “Ramaikan”, ang bersion ng mga taga Thailand sa Indian Ramayana na sinulat ng taon ng Rama I (1782-1809), “Khun Chang Khun Phaen” isang epikong tula na puno ng maaksyon na pagganap , kung saan kinuha ang pamagat nito mula sa dalawang pangunahing protagonista , at Phra Aphaimani ,pinangalan pagkatapos ng bayan .Ang pangalawang at pagatlo ay kapwa petsa ng Rama II (1809-24).Ang pagsalin ay ang pangunahing naibenta sa western fiction ng may-akda gaya nina Marie Corelli,William le Queux , Charles Garvice, H. Rider Haggard, Sax Ronmer , Anthony Hope , at Arthur Conan Doyle. Nagsimula ng ika 20-siglo pero sa gitna ng 1920’s ang orihinal sa storya ng thai , ay malimit nang ilabas sa dyaryo at magazine bago ang publikasyon ng libro ay maging tanyag na .Karamihan au Romantic Novels, na ang nagtauhan bg pobreng lalaki at mayaman na babae o mayaman na lalaki at pobreng babae. Kung saan ang balangkas ay nagdala ng konklusyon sa mga sitwasyon ng mga pangyayaring hindi inaasahan.
A. Pag-aaral ng Pelikula
Boud ng Pelikula – ang kabuuang bahagi ng istorya.Piling nga eksenang magkakaugnay.pinaikling ulat ng boud ng pelikula.
Direksyon-ang pamamaraan ng direktor kung paano niya papatakbuhin ang istorya. Sa kamay ng direktor nakasalalay ang bisa at ganda ng pelikula sa kabuuan.
Disenyong Pamproduksyon – props,
kasuotan, gamit, at background ng pelikula.
Ang
pinag-uusapan sa produksyonng-disenyong. Dito nakikilala ang kahusayan ng
desayner lalo na kung marunong siyang maghanap ng paraan upang maging tugma at
akma ang lahat para sa isang pelikula. Ang kaganapan noong panahon ng digmaan ay
di dapat kakitaan ng mga modernong kasuotan.
Sinematograpiya – ang labo at linaw ng pelikula ay nakikita sa kailangan ng isang sinematograper.Siya ang nagbibigay ng angguulo ng mag tagpo o eksena.
Makatotohanang Paggananap ng mga Tauhan – nangangailangan ng artista ay kinakailangang may kaugnayan sa katauhab ng kanyang papel na ginagampanan. Kaugnayan ng istorya sa kasalukuyang at aral na mapupulot mula rito. Naaangkop ba sa kasalukuyang ang storya? Mahalaga ang paghahambing ng pelikula sa kasalukuyan upang makitaang pagkakatulad/pagkakaiba. Bawat pelikula ay may taglay na aral na nais ibahagi sa manonood.
Ang paglapat ng tunog – lubhang makabuluhan ang tunog sa pelikula. Isipin mo na lamang kung ang pinapanood mo ay kailanman makilala ng damdamin tulad ng putukan, tilaok ng manok, bagsak ng anumang bagay, at bigat ng suntukan. Pinalalagay natin na ang tunog ay akma sa bawat eksina. Di dapat nahuhuli sa kilos, galaw at maging sa damdaming nais ipakahulugan sa bawat eksina.
Ang paglalapat ng musika – nabubuhay ng isang musika ang eksenang malungkot, galit, takot, at hinagpis. Ito ang kadalasang kung bakit naaapektuhan ang manood ng pelikula. Nariyang paglabas ng tao mula sa sinehan ay mugto ang mata,masayang-masaya, galit na galit, atbp. Ang paglalapat ng musika ay nakatutulong para lalong umangat ang bigat at gaan ng eksena.
Ang editing ng pelikula – sa paggawa ng pelikula, ang mga editor ang siyang nagdudutong-dugtong ng eksena, mula sa mga negatibong nagamit sa shooting ng pelikula. Ang daloy ng palabas ay napakahalaga sapagkat dito nabubuhay ang istorya.
KABANATA III - Metodolohiya ng Pag-aaral
A. Pamamaraan ng Pananaliksik
Sa pagsusuri nito ginamit ng mga mananaliksik ang pananaw sosyolohikal. Ipinapakita ng pananaw sosyolohikal ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Ang Pee Mak ay patungkol sa nakatatakot ngunit sobrang nakakatawang kwento ng wagas na pag-ibig na tampok sa sikat na Thai legend nina Pee Mak at ng asawa nitong multo. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Sa pagsusuri ng pelikula inaalam ng mga mananaliksik ang tema, at ang mensahe na gustong ipahiwatig ng pelikulang Pee Mak. Pangalawang paraan ng pagsusuri ng mga mananaliksik ay ang maintindihan o maunawaan ang literatura at kultura ng bansang Thailand higit sa lahat ang kanilang mga pelikula. Ang kahuli-hulihang pamaraan ng pananaliksik ay ang malaman kung saan ito na impluwensya ang kanilang pelikulang Pee-Mak.
B. Paraan ng mga Datos
Ang pinagkunan ng akda ng mga mananaliksik ay ilang
pelukla ng mga taga Thailand. Nakuha ito sa mga “website”
- http://ww.abante.com.ph/issue/jul2413/_others 02.htm,
- http://www.philstar.com/author/Ernie%20pecho/MASA..RAP?page=12
C. Paraan ng pagkalap ng mga Datos
Mayroong iba’t-ibang pamamaraan ng datos na ginamit ng mga mananaliksik. Pinakauna sa lahat , sinaliksik muna ito ng mga mananaliksik ang mga pelikula ng Thailand na nagmula naman sa internet. Sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng computer at internet mas mapadali ang malaman at paglahap ng iba’t-ibang impormasyon tungkol sa pelikula na sinaliksik. Pangalawa , babasahin upang malaman ng mga mananaliksik ang ibig sabihin o mahalgang aral na makuha sa pananaliksik ng kanilang pelikula.
D. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng pananaliksik ang pag-aaral na ito ay isinisagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiu-analtik. Tinangka ng pag-aaral na ito na suriin ang damdamin , pananawat kaalaman ng mga respondete tungkol sa nakatatakotnat sobrang nakatatawang kwento at wagas na pag-ibig.
KABANATA IV - Presentasyon at Interpretasyon ng Datos
Talahanayan blg.1 Elemento ng Pagsusuri ng Pelikula
Elemento
|
Kahulugan
|
Pee Mak
|
Crazy Little Thing
Called Love
|
Sinematograpiya
|
Ayon
sa center of new cinema , ito ay pagsusuri ng isang pelikula sa pagkuha sa
wastong anggula upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamagitan ng wastong timpla ng ilaw at kamera.
|
Ang
mga ilaw ay madilim para punan ang damdaming natatakot.
|
Makikita
talaga kung ano ang sentro o ano ang mensahing binigay para sa mga manonood.
|
Tunog at Musika
|
Pagpapalutang ng bawat
tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.Pinupukaw
ang mga damdamin ng mga manonood.
|
Pang-”thrilling”o
pang-multo ang mga musikang ginagamit.
|
Pang-ibigan
ang mga musikang ginagamit
|
Pag-arte
|
Ang pangganap ng mga tauhan sa
kwento.
|
Sa lugar kung saan ng maraming kahoy
at may ilog o tabing ilog
|
Kadalasan sa mga eksina ay nasa
skwelahan
|
Direksyon
|
Dito nagsimula ang mga sangkop
sinementiko ng dula ng kung saan ang direktor ang siyang may-akda ng nabubuo
ng pelikula.
|
Sa eksinang nalaman na ni Mak na ang
kanyang asawa ay isang multo at itinago lang niya ito.
|
Sa eksinang grumaduate na ang
pangunahing lalaki at pupunta na nang ibang bansa ang pangunahing lalake .
|
Editing
|
Ang pagtangi-tangi ng mga imahe para
makabuo ng kwento.
|
Kadalasan ay mga eksinang nakakatakot
at nakakatawa, meron ding eksinang kilig.
|
Mga “Flashback” at mga kilig na mga
eksina nasa pelikula.
|
Ang pelikula ay isang salamin sa ating pamumuhay at ang dulang pampelikula at pangtelebisyon ay may ginagampanang parte sa ating pagharap sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Sa huli, mahalaga abg pag-alam na ang dulang binubuo ay maaaring makapag-ambag sa kaalaman,kahulugan at kalagahan ng mga manonood. Bilang mga kasapi ng isang kumunidad na ang layunin ay ang makapagturo, isipin nating mga guro na ang dating mga pelikula ay makapagbibigay ay ng kaalaman tungkol sa ating mga sarili, kapaligiran, lipunanat ng mundo. Ang kaalamang walang pagpapahalaga ay siyang dahil sa ito ay maaring di makakatulong sa isang matiwasay na pamumuhay.
Figyure blg. 1: Paghahambing (PeeMak; Crazy Little Thing Called Love)
Talahanayan blg. 2: Ang Kahalagahan
Kahalagahan
|
Patunay
|
Ang kultura ng Thailand ay naimpluwensya ng mga Tsino at India.
Isang halimbawa sa kanilang kultura ay ang pagbati sa mga turista na may
ngiti kaya ang Thailand ay tinaguriang
Land Of Smiles. Ang pagbati sa pmamagitan ng pag-ngiti ay isang mahalagang
simbolo sa kultura ng mga Thai. Ang tradisyonal na damit ay tinatawag na Chut
Thai na ito ay maari sa mga lalaki, babae at bata. Ang Thai food ay kilala
sa pagbalanse ng tatlo hanggang apat na pangunahing lasa sa bawat ulam o ang
pangkalahatang pagkain: maasim, matamis, maalat at mapait.
|
Tinagurian ang Thailand na
Land of Smiles. Mahalaga ang pag-ngiti sa kultura ng mga Tahi. Sa Eksena sa
pelikula ay palagi nakangiti ang mga tauhan na lalaki. Sa pagpapakilala ni
Mak sa kanyang magandang asawa ayy bumati ang kanyang apat na kaibigan na nakangiti. Ang kwento sa
elikulang ito ay madaming eksena na nakakatawa at ang Thailand ay gustong
magpangiti sa kapwa tao kaya sila palaging nakangiti.
|
Mahalaga sa ating kaalaman na matuklasan ang kulturang sa bansang Thailand dahil ito ay tinatawag na “Land Of Smiles“. Ito ay paggamit sa pagbati sa mga tao lalo-lalo sa mga bisita o turista na dumadating. Maganda din ang kanilang panglasa na may apat pangunahing lasa sa bawat ulam o ang pangkalahatang pagkain. At ang panghuli ay ang kuturang Thailand ay naimpluwensiya lamang ng mga Tsino at India.
Talahanayan blg. 3: Kahalagahan ng bawat pangungusap sa isang pelikula
Suliranin
|
Patunay
|
- Ang kahalagahan ng bawat pangungusap sa isang pelikula ay matutukoy
ang mga tiyak na impormasyon kinakailangan sa pagsulat ng isang suring-pelikula
sa pelikula maramdaman natin ang ibig ipapahiwatig ng isang manunulat. May
pagkakataon n gang isang pelikula ay hindi madaling maintindihan , malalaman
natin ang tiyak na ipahiwatig sa katapusan ng kwento.
|
- Matutukoy ang mga tiyak na impormasyonng kinakailangan sa pagsulat
ng isang suring-pelikula, para mabigyang puna ang isang tiyak na modelo,
makapaghahanay-hanay ng mahahalaga at makukulay na impormasyon/ kaisipan at
magagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagbuo ng suring pelikula, nakasusulat
din ang lakas ng isang pelikula ng isang tambalan. Patunay nito ang mga tagahanga na handing gumastos
upang ito ay makita. Nakabibigay ito ng pamukaw intension sa manonood.
|
Ang libangan na ng karamihan ay ang panonood ng sine, kahit hirap sa buhay ay gumagawa sila ng paraan upang ito ay makita o mapanood pwede itong dahilan sa mga hinahangaang artista o ang konsepto ng pelikula. Dumarating din ang panahom na pwedeng hindi tayo nagagandahan sa ating pinapanood ito ay depende sa ating panlasa baka gusto niya may trahedya, komedya, o kaya naman fantasya. Pero sa panonood ng mga iba’t-ibang pelikula may makukuha rin tayong mga aral.
Batayang
Teorotikal
|
Patunay
|
Ano
mang bagay na ating nakikita, napakikingan at napanonood ay may malaking
impluwensya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos
kang kumbisadoat naniniwala sa pahayag na ito, lalo na kung an gating
pinapanood ay yaong makabuluhan at maiugnay sa ating pangaraw-araw na
pamumuhay
|
|
Ang pelikula, kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan ng sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libanggan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan. Kadalasan tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan at negosyo. Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay kabilang ang inarte na pantasya at mga oekel sa kamera at sa pamamagitan ng kartun.
KABANATA V - Mga Natuklasan, Implekasyon, Rekomendasyon at Konklusyon
A. Natuklasan:
Ang panonood ng mga pelikula ay sadya din napagkukunan ng mga moral na aral at maging na din isang patnubay sa pang araw-araw na buhay. Sa panonood ng pelikula ito ay naglalarawan sa estado ng mga tao na nakapaligid sa sa kanilang buhay. Base sa aming natuklasan, ang panonood ng mga pelikula sa mundo ng makabagong teknolohiya ay nagdudulot din ng maganda dahil pinamatiling matibay ang pundasyon ng pagkatuto ng mga kabataan di lang sila pati na rin ang mga mas nakatatanda. Kadalasang nakapaloob sa bagong henerasyon ng buhay ay ang hightech na teknolohiya na siyang pinagmulan ng ating mga sosyal o kaaya-aya na impormasyon, ang pagbabasa ng mga libro ay nakatutulong ng malaki sa buhay ng isang tao at nagbubunga din ng pagkabuo n gating pagkatao maliban na lamang kung tayo mismo ang magiging hadlang sa ating sariling kapalaran.
Sa pananaliksik na ito , bilang isang mananaliksik nakaranas din kami ng iba’t ibang pagsubok sa buhay at emosyon, saloobin sa ibang tao na nakapalibot sa aming buhay ang mga mananaliksik ay nakatuklas ng iba’t-ibang pelikula na lumalaganap sa mundo ng makabagong teknolohiya natin ngayon.
B. Implikasyon:
Sa pag-uunlad ng ating makabagong teknolohiya sa henerasyon natin ngayon ay mas nakatuon ang kanilang pang-isip sa paglalaro ng mga "computer games" tulad ng dota. Nagdudulot ito ng di maganda sa kalusugan ng isang kabataan sa ngayon na henerasyon. Base sa aming nakikita bumaba ang porsisyento ng mga kabataan na mahilig bumasa ng aklat o libro. Ang mga sumusunod ay ang nakagugulat na epekto sa mga kabataan na hindi magbabasa ng libro ito’y pinagbasihan sa isang pagsusuring ginawa.
a.) Pinapabayaan ng magulang ang kanilang mga supling na sumabay sa hightech na teknolohiya ngayon lalo na sa paggamit ng “gadgets” sa halip na libro ang ibigay.
b.) Ang kadalasang hindi marunong magbasa ay sadyang sanhi ng pagpabaya sa pag-aaral at mas pinagtuonan ng malaking oras ang paglalaro ng computer games.
c.) Ang sobrang paggamit ng “gadgets” ay nakababa din ng puntos o grado ng isang bata dahil wala na silang panahong mag-aral.
d.) Ang kompyuter ay isa rin sa makabagong teknolohiya na kung saan napaggawa nito ang buhay na mas madali, magaan, at maliit lang na oras ang ilalaan. Sa kabila nito, nagduddulot din ito ng masamang epekto dahil ang mga kabataan ay umaasa nalang sa kanilang nareresearch at hindi na ginamit ang kanilang kaalaman.
C. Rekomendasyon:
Lubos na nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.
Hinati ng mga mananaliksik ang mga rekomendasyon para sa mga kabataan at magulang.
- Patuloy na gabayan ang mga anak para hindi magdulot ng kanilang masamang pag-iisip.
- Ibigay sa kanila ang buong suporta para maramdaman nila ang importansya ng kanilang pagkatao sa inyong buhay.
- Makatutulong rin kung mismo ang ina ay maging guro sa bahay lalo na kung ang mga ito ay bata pa. At pag-aralin mo sila para malaman ang kahalagahan ng isang buhay. Wag mong pag-aralin upang yumaman.
- Matutong harapin ang mga problema , dahil lahat ng pagsubok ay nalalampasan.
- Bigyang limitasyon ang mga bagay na alam mong hindi nakatutulong sa inyong pag-iisip.
- Laging tandaan na mag-aral ng mabuti upang mapasaya mo ang mga mahal mo sa buhay nanagsasakrispisyo para ikaw ay makapag-aral.
- Dapat maging mabuting impluwensiya sa ibang kabataan at maingganyo ang kahalagahan
D. Konklusyon:
Kabanata II
· Sa kabanata na ito ay sinusuri ang mga kaugnay na literature at pag-aaral.· Sinasailalim ang pagsuri ng pelikula upang maunawaan nang mabuti ang mga nilalaman nito.
Kabanata III
· Sa kabanata na ito ay sinusuri ang kung ano ang gagamitin na paraan ng pananaliksik.· Dito rin makikita ang pinagkunan ng mga may-akda.· Dito rin malalaman kung paano ginawa ang disenyo at paraan ng datos.
Kabanata IV
· Dito sinusulat ang mga sagot mula sa kabanata 1 hanggang katapusan. Pati na rin ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos.
Kabanata V
· Sa kabanata na ito ay makikita ang mga natuklasan, konklusyon, implekasyon , at rekomendasyon ng mga mananaliksik.
Bibliyograpiya
Author, Emily V. Marasigan at si Alma M. Dayag. Pluma wika at panitikan para sa mataas na paaralan. Quezon Avenue, Quezon City. Phoenix Publishing House, INC. 927
Sa Tesis at Disertasyon :
Vic Meranda B. Lacaden. 2013. Larong Dota. http://www.academia.edu/3793772/EPEKTO_NG_PAGLALARO_NG_COMPUTER_GAMES_BODY_
Appendix
Sa isang lugar sa bansang Thailand, may nakatirang mag asawa na sina Mak at Nak. Si Nak ay nagdadalang tao noong sumiklab ang digmaan sa Rattanakosin Dynasty. Si Mak ay nagsilbi bilang isang sundalo noong nagsimula ang digmaan ng Rattanakosin Dynasty. Sa panahon ng digmaan ay naging kaibigan niya sina Ter, Puak,Shin, at Aey na kanyang tinulungan para hindi mapahamak sa digmaang iyon. Maraming tao ang namatay sa digmaang iyon, maraming tao ang napahamak at namatay dahil matindi ang mga nangyari sa digmaang iyon. Sa panahong iyon, hindi alam ni Mak na nanganak na pala ang kanyang magandang asawa na si Nak ngunit hindi nila alam na namatay pala si Nak sa kanyang panganganak. Noong nagtapos ang digmaan, inimbitahan ni Mak ang kanyang apat na kaibigan na sina Ter, Puak, Shin, at Aey sa kanyang tahanan sa lungsod Phra Khanong at ipinakilala niya ito sa kanyang magandang asawa na si Nak at sa kanyang bagong silang na sanggol na si baby boy Dang. May tsismis na nakalat sa buong barangay na si Nak ay namatay sa pagbibigay ng lungal na si Dang. Nag mula ang tsismis na ito kay Aunty Priak, mayari ng local liquor na tindahan na namatay at nakita ang kanyang katawang lumutaw sa tabing lawa. Ang apat na magkakaibigan ay nagbalak na sasabihin nila ito kay Mak na patay na ang kanyang asawa at ang kanyang anak na may posibleng nabuhay ulit. Si Mak na ang magpasya kung ano ang pipiliin niya, pagibig ba o ang realidad.
Caesar Casino: Deposit & Withdrawal Methods | Shootercasino
ReplyDeleteVisit a Caesars Casino now! 제왕카지노 In this casino, you can win real money with no deposit or deposit needed. You can take advantage งานออนไลน์ of the no 온카지노 deposit